Leni Robredo may panibagong banat kay Pangulong Duterte "Humirap ang Buhay Dahil kay Duterte"




Sinisisi ngayon ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa lagay ng ekonomiya at pamumuhay ng mga tao sa Pilipinas.

“Hinalal kami ng taumbayan para guminhawa ang kanilang buhay. Pero dahil sa diskarte ng Pangulo nitong dalawang taon, tumaas ang presyo ng mga bilihin, lalong humirap ang buhay, dumami ang alegasyon ng korapsyon,”


Pahayag ng Pangalawang Pangulo Ukol sa Binitawang Salita ni Pangulong Duterte

Wala namang may gustong magkasakit ang Pangulo. Pero hindi dahilan ang sakit para maliitin na naman ako.

Hinalal kami ng taumbayan para guminhawa ang kanilang buhay. Pero dahil sa diskarte ng Pangulo nitong dalawang taon, tumaas ang presyo ng mga bilihin, lalong humirap ang buhay, dumami ang alegasyon ng korapsyon, at libo-libong mga Pilipino ang pinatay.


Hindi ko ugali ang mamulitika; mas gusto kong tahimik na magtrabaho. Pero sasabihin ko ito ngayon: ang tapang, lakas, at diskarte, hindi nadadaan sa mapanirang salita. Ang kailangan ng taumbayan ay tapang sa gawa.

Umaksyon tayo sa problema ng bayan, kaysa puro sisi ang binabato: sa dating administrasyon, sa kanyang mga kritiko, sa akin.



Sinumpaan naming mga lider na magtatrabaho kami para sa mga kapwa naming Pilipinong bumabangon araw-araw para mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya.


Bumabangon ako araw-araw para gawin yan.

Source: VP Leni Robredo



Loading...

1 comment:

  1. tangina m naghirap b buhay m ahahha :o ako hindi..dati wala akong bahay ngaun merun na..dati wala akong ipon ngaun na.. nd sa gobyerno nakasalalay ang buhay at kinabukasan ko,,ang buhay ko at kinabukasan ay nakadepende sa sipag at diskarte ko para abutin pngarap ko. anung kinalaman ng buhay ko sa gobyerno? ang nakadepnede sa gobyerno ay kayung mga pulitiko.. kng namamahalan k sa bilihin maghanap k ng trabaho o diskarte para mapamura m sa pamamagitan ng mas malaking pagkakakitaan.khit mag sampung piso ang gasolina kng wala kng kotse aanhin m? kht magsampung piso ang sili kng wala kng trabaho wala k p rin pambili..pag bumaba ang bilihin bababa din ang sweldo kaya kahit anung gawin nyo kng hndi kayu magsisikap wala p rin kayung mararating mga bobo

    ReplyDelete

Powered by Blogger.