EXPOSED: Dating Cabinet Secretary ng Aquino Admin sinubukang suhulan ng mahigit P25M si Pangulong Duterte para manatili sa kanyang pwesto




Kahit nagpalit na ng administrasyon, nais daw ng isang dating Cabinet official noong panahon ni Noynoy Aquino ang manatili sa puwesto ng ilang buwan.

Tumataginting na P25 Million ang ibinigay ng Cabinet official para daw kay Pangulong Duterte upang hindi agad mapalitan sa puwesto.


Isang check raw ang ibinigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng nasabing dating Cabinet official pagkatapos ng 2016 Presidential elections ayon sa isang mapagkakatiwalaang impormante na malapit sa Malacañang.

Agad namang nag-isip at nagduda si Pangulong Duterte kung bakit kailangang magbigay ng P25 M at ang hinihingi ay kahit 6 na buwan lang ang pagpalawig sa puwesto.

Dahil dito ay hindi daw ipina-convert sa cash ang nasabing tseke na tulong pinansiya sa kampanya sa eleksiyon at magsisilbi raw itong ebidensiya ng Pangulo laban sa nasabing mataas na opisyal ng gobyerno.


Ngayon ay naidugtong na ng Pangulo kung bakit nagbigay ng salapi ang dating Cabinet official dahil lumilitaw na may mga anomalya sa pinanggalingang Departamento.

Nahaharap ngayon sa Kontrobersiya ang mga proyektong pinasok ng dating Cabinet official na bilyong piso ang halaga.

Ayon pa sa ating impormante ay kumukuha lang ng magandang tiyempo ang Pangulo at kaniyang isssambulat sa publiko ang nasabing pagbibigay ng P25 Million ng dating Cabinet official.


Laking pasasalamat ng Pangulo at hindi nila napalitan sa cash ang tseke at higit sa lahat ay hindi ito pumayag na mapalawig sa tungkulin ang dating Cabinet official dahil may posibilidad na lilinisin nito ang lahat ng mga ebidensiya upang makaligtas sa mga posibleng kaharaping kaso.

Abangan kung kailan pangangalanan ng Pangulo Ang dating Cabinet official na nagbigay ng P25 Million kapalit ng 6 na buwan ng pananatili sa puwesto.



Ang dating Cabinet official ay kasalukuyang nahaharap sa eskandalo sa dating Departmento at posibleng maharap sa kasong plunder.

Source: Abante Tonite



Loading...

No comments:

Powered by Blogger.